Drug trafficker na Chinese national na paiba-iba ng pangalan, walang kawala sa NBI

GUMAGAMIT man ng iba’t-ibang pangalan, nalaglag pa din sa kamay ng batas sa Pilipinas ang isang Chinese drug trafficker. 

Matagal nang nagtatago sa batas at papalit-palit ng pangalan ang Chinese national subalit nahuli pa din ito ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa kasong drug trafficking nang makumpirma ang kaniyang pagkatao sa pamamagitan “fingerprint examination.”

Ang suspek na kinilala bilang si Frank Chua ay nahaharap ngayon sa hatol ng Korte na  “reclusion perpetua” o habambuhay na pagkakulong sa kasong drug trafficking.

Ayon sa NBI, taong 1989 nang kasamang maaresto si Chua matapos makumpiskahan ng nasa 58 kilo ng shabu sa may Ilocos Sur. Ngunit noong Marso 22, 1990, nagawang makatakas ni Chua at mga kasamahan sa Vigan Provincial Jail.

Sa kabila nito, ipinagpatuloy ng Korte any pagdinig sa kanilang kaso hanggang sa maglabas ng desisyon noong Oktubre 7, 1994 na nagpapataw sa kanila ng naturang sentensya.

Siya ay nagtago sa iba’t-ibang lugar sa bansa hanggang sa maaresto ng NBI-Anti-Illegal Drug Task Force at NBI-Olongapo District Office noong Hulyo 4, 2003 sa isang restawran sa Subic Bay Freeport Zone.  Itinanggi niya na siya si Chua at nagpakilala sa pangalang Tsai Jung Shui.

Nang ipagkumpara ang kanyang fingerprint sa rekord ni Chua, nakita na ito ay magkapareho. Inilipat siya sa New Bilibid Prison (NBP), kung saan muli siyang nakatakas noong 2004.

Hulyo 28, 2002  naman ng muli siyang maaresto sa Sampaloc, Maynila at muling itinanggi na siya si Chua kasabay ng pagsasabi na ang pangalan niya ay Tsai Rong Chang.

Dahil dito, nagsagawa muli ng “comparative examination” ang NBI-Dactyloscopy Division sa mga fingerprints at muling tumugma ito sa iisang tao lamang na si Chua.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.