Procurement ng paraphernalia para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections, tuloy pa din — Comelec

Share this information:

ITUTULOY pa rin ng Commission on Elections (Comelec) ang procurement  ng election paraphernalia para sa darating na 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa kabila ng mga panawagan ng postponement nito.

Sinabi ni Comelec Chairman  George Garcia na ang poll body ay “in full swing”  na para sa kanilang paghahanda para sa BSKE na kinabibilangan ng mga briefing at pagsasanay sa kanilang mga matataas na opisyal.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Garcia na ang P8.4 bilyon na budget para sa BSKE ay “intact” pa rin ngunit gagastusin nila nang maayos ang mga mapagkukunan ito upang maiwasan ang pag-aaksaya sakaling muling ipagpaliban ang local elections.

Huwag po kayong mag-alala hanggang sa kasalukuyan yung P8.4 bilyon na nakalaan for Barangay and SK elections ay intact. May nabawasan man, kapirasong kapiraso lang po dahil of course we are trying that particular budget, that money wisely dahil baka nga po hindi naman matuloy,” sabi ni Garcia.

Dagdag pa ng poll chair na ang materyales gaya ng papel at ballpen ay magagamit pa rin sa susunod na election kung aaprubahan ng Kongreso at ng Pangulo ang muling postponement ng BSKE.

Suportado naman ng ilang mambabatas, kabilang si House Speaker Martin Romualdez, ang postponement ng BSKE.

Nauna na niyang sinabi na ang gobyerno ay makakatipid ng P8.141 bilyon kung ipagpapaliban ang local elections.

Nasa dalawang panukalang batas na rin ang inihain sa Senado na naglalayong ipagpaliban ang BSKE. 

Nauna nang ipinalabas ng Legal Network for Truthful Elections (LENTE) at National Citizens’  Movement for Free Elections (NAMFREL) ang kanilang pagtutol laban sa panukalang pagpapaliban.

Bilang isang long-time election lawyer, sinabi ni Garcia na personal niyang nais na matuloy ang 2022 BSKE dahil ito ay tanda ng isang masiglang demokrasya sa bansa.

I am always pro the conduct of the election.” sabi ni Garcia.

Sa kabila ng kanyang personal na posisyon, sinabi ni Garcia na palaging susundin ng Comelec ang desisyon ng Kongreso at Executive Department dahil ang poll body  ay tagapagpatupad lamang ng mga batas na may kinalaman sa halalan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.