140 pang kaso ng BA.5 Omicron subvariant ang nakita sa Pilipinas — DOH

MAY natukoy pang 140 na karagdagang kaso ng COVID-19 na may Omicron subvariant BA.5 sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa ayon sa Department of Health (DOH). 

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa media briefing ng DOH na ang 99 indibidwal ay mula sa Western Visayas, 21 mula National Capital Region (NCR), pito mula sa Calabarzon, at lima mula sa Ilocos region.

Natukoy din ang tig-isang kaso ng BA.5 mula sa Central Luzon, Bicol region, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Mimaropa, at Cordillera Administrative Region (CAR). 

Isang returning overseas Filipino (ROF) din ang nagpositibo sa nasabing Omicron subvariant.

Sa BA.2.12.1, sinabi ni Vergeire na mayroon ding 20 pang kaso na naitala sa bansa, kung saan halos lahat ay gumaling.

Sa bagong mga kaso, limang indibidwal ay mula sa NCR, may tig-apat mula sa Western Visayas at Calabarzon, habang ang dalawa naman ay mula sa CAR.

May isang kaso mula sa Ilocos region at apat na ROF din ang nagpositibo sa BA.2.12.1.

Mayroon ding pitong karagdagang  kaso ng BA.4 na natukoy sa bansa at lahat ng ito ay gumaling na ayon sa DOH.

Anim sa nasabing mga kaso ay mula sa Bicol region at ang Isa ay mula naman sa NCR.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.