Disaster response team ng Maynila, tumulak patungong Cebu

BUMIYAHE na patungong lalawigan ng Cebu ang 14-man contingent mula sa pamahalaang lungsod ng Maynila na pawang mga miyembro ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (Manila DRRMO).

Ang naunang team na ipinadala ng lungsod ay upang magsagawa ng Rescue and Humanitarian Assistance Operation sa Cebu upang tulungan ang mga kapatid na residente dito na nasalanta ng bagyong Odette.

Bukod dito, naghahanda na rin ang second batch ng mga tauhan ng Manila DRRMO na magtungo sa Cebu kung saan kasalukuyan na silang nagkakarga ng mga emergency units sa pier at inaasahang darating sa nasabing probinsiya sa makalawa ng umaga.

Layunin ng lokal na pamahalaan ng Maynila na sa maliit na paraan ay makatulong sa pamahalaang panlalawigan ng Cebu upang mas mapabilis ang kanilang pagbangon mula sa epekto ng nasabing bagyo.

Hangad rin ng Manila LGU na makabalik na sa normal ang pamumuhay ng mga residente ng Cebu at masimulan na rin agad ang kanilang mga Build Back Better na mga programa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.