Pagtaas ng sitting capacity sa mga pampublikong sasakyan, inirekumenda na sa IATF – DOTR

INIREKUMENDA ng Department of Transportation o DOTR sa Inter Agency Task Force o IATF na itaas na ang sitting capacity sa mga panpunlikkong sasakyan mula sa 5 percent sa ngayon.

Sa consultative meeting ng Senate Subcommittee on Finance, sinabi ni Atty. Mark Steven Pastor, DOTR Assistance Secretary for Road Transport and Infrastructure, na sumulat na sila sa IATF ukol sa rekumendasyon nila na itaas ang sitting capacity.

Hindi sinabi kung hanggang saan pero ipinunto na kung sila ang masusunod, itataas na nila ito sa 100 percent at kaya ranila itong idepensa sa nakatakdang pulong ng IATF sa Huwebes.

Ibabatay daw ito sa medical literature. Ito rin anya ang hakbang ng DOTR para hindi magtaas ang singil sa pamasahe dahil wala anilang kinalaman ang pasahero sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Pero bago ito, pinuna nina Senator Nancy Binay at Senator Imee Marcos na hindi naman natutupad ang 50 percent na sitting capacity sa mga pampasaherong sasakyan dahil nakikita nilang laging punuan ang bus at jeepney.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.