Mangingisda, kabilang sa mga 2021 Ramon Magsaysay awardees

ISANG mangingisda at community environmentalist sa Zamboanga Sibugay na si Roberto “Ka Dodoy” Ballon, 53 taong gulang, ay kinilala bilang isa sa mga 2021 Ramon Magsaysay awardees. 

Ngayong Martes, ginawaran ng pagkilala si Ballon sa “virtual ceremony” ng Ramon Magsaysay Awards para sa kanyang “inspiring determination in leading his fellow fisherfolk to revive a dying fishing industry by creating a sustainable marine environment for this generation and generations to come, and his shining example of how everyday acts of heroism can truly be extraordinary and transformative.”

Si Kuya Roberto, at ang mga kasama niyang 30 na kapwa mangingisda, ay nagsimula noong 1986 ng Kapunungan sa Gamay ng Mangingisda sa Concepcion (KGMC) na naglalayon na makapagtanim ng mga mangrove o “Bakawan” na nakakatulong sa pagpaparami ng isda. 

Nakatulong din ang mga tanim na bakawan na makapagparami ng isda hindi lamang sa kanilang Lugar kung hindi pati sa ibang lugar ng bansa. 

Inaalay namin sa kasamahang mangingisda lalo na sa maliliit na mangingisda sa buong Pilipinas.” sabi ni kuya Roberto. Pinasalamatan niya din ang kanyang pamilya, mga ahensiya at iba-ibang sangay ng gobyerno. 

Dagdag nito “ako ay nagpapasalamat ulit sa bumubuo ng Ramon Magsaysay Award sa pagbigay ng napakalaking karangalan.” 

Ang Ramon Magsaysay Awards ay itinatag bilang parangal kay dating Pangulong Ramon Magsaysay, na sinasabing pinaka-prestihiyosong parangal sa Asya para sa mga indibidwal at grupo na nakagawa ng mga bagay na may malaking epekto o “impact” sa Asya at sa buong mundo. Sinasabing ang Ramon Magsaysay Awards ay ang katapat ng isa sa mga pinaka-importanteng award sa mundo, ang Nobel Prize.

Kasama ding pinarangalan ni kuya Roberto ang apat na iba pang itinuturing na “changemakers” sa Asya.

(PHOTO CREDIT: waccglobal.org)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.