SINABI ng boksingerong si Mark Magsayo, na nanalo kamakailan sa Las Vegas sa undercard ng laban ni Pacquiao vs. Ugas, ay hindi ito uuwi habang hindi nakukuha ang titulong “world champion” sa boksing.
Naninirahan ngayon si Magsayo sa Las Vegas sa Estados Unidos kasama ang asawang taga-France.
Si Magsayo ay nanalo sa kalaban nitong Mexicano na si Julio Ceja na isang former WBC superbantamweight champion sa pamamagitan ng isang mabangis na knockout sa ika-10 round.
“Sobrang saya,” iyan ang sabi ni Magsayo, “Thanks to God na binigyan Niya ako ng lakas. Ang style ni Ceja nakuha ko sa first round at bumagsak kaso pasok siya ng pasok. Nilaro ko yung laro niya kaya natumba ako sa fifth.” dagdag nito.
Unang round ay napatumba agad ni Magsayo ang kalaban na Mehikano, Ngunit nabawian siya nito noong ika 5 round noong ginaya niya ang style ni Ceja, ngunit tinapos na ni Magsayo ang laban pagdating ng ika-10 round sa pamamagitan ng knockout.
“Sabi ni coach Freddie (Roach) at coach Marvin (Somodio), mapapagod din si Ceja at kung dalhin ako sa corner, yakap lang tapos punta sa gitna ng ring,” ayon kay Magsayo.
Mula sa sipag sa pag eensayo naging mataas ang posibilidad na manalo kay Ceja.
Kung tatangalin si WBC featherweight champion Gary Russell at ilalagay sa superfeatherweight, inaasahan na ang makakalaban ni Magsayo ay si Rey Vargas na isang dating WBC superbantamweight champion na may record na 34-0 at may 22 KOs at si Magsayo naman ay may record na 23-0 at 16 KOs.

