PANSAMANTALANG hindi muna tatanggap ng mga pasyente ang Philippine General Hospital sa kanilang emergency room.
Ini-anunsyo iyan ng pamunuan ng PGH matapos na lumagpas pa ang itinakda nilang 230 kapasidad ng mga pasyente ng COVID-19.
Sa ngayon umano kasi ay mahigit na sa 100 ang isinobra sa 230 na COVID-19 patients nito na karamihan ay nanganagilangan ng intensive care, high flow oxygen at ventilators.
Kung hindi umano pipigilan pansamantala ang pagtanggap pa ng mga pasyente ay malalagay sa peligro ang iba pang mga pasyente gayundin ang mga kawani ng ospital.
Humihingi ng paumanhin at pang-unawa ang PGH.

Pinapayuhan din ng PGH ang publiko na patuloy pa ring makipag-ugnayan sa kanilang Transfer Command Center upang matulungan ding mai-refer sa ibang pagamutan.

