Duque sa Senate hearing: Nagulo na ‘yung utak ko…

NAGUGULUHAN na umano si Health Secretary Francisco Duque III sa gitna ng idinaraos na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng pagpondo para sa benepisyo ng mga healthworker sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa virtual hearing, narinig si Duque na nagsabing naguguluhan na ang kanyang utak.

“Nagulo na ‘yung utak ko, hindi ko na alam kung…” ayon kay Duque, na tila hindi batid na hindi naka-mute o nakapatay ang kanyang mikropono.

Narinig naman ni Senate Blue Ribbon chairman Richard Gordon ang sinabi ni Duque at sinagot ito na magpatingin muna sa psychiatrist ang kalihim

Marami kayong psychiatrist sa DOH. Pagamot ka muna sa inyo sa DOH. Meron kami ditong mga psychosocial support dito,” ayon kay Gordon.

I know it’s very stressful to work in the government so please make sure that you get it done,” dagdag pa nito.

Nauna rito ay nadidiin si Duque sa pagpapaliwanag hinggil sa P1.8 bilyong meal, accommodation and transportation (MAT) allowance ng healthcare workers.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.