IISANG rehiyon na lang o ang CARAGA (Region 8) na lamang ang wala pang naiuulat na lokal na kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas.
Inihayag ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kasabay din ng paglilinaw na ang unang napaulat na tatlong Delta variant cases sa CARAGA ay returning overseas Filipinos at hindi local cases.
“Lahat po ng regions, based on the recent run, meron na. Pero ang Caraga po wala pa po kaming nade-detect,” ani Vergeire.
Sa kabila nito, sinabi ni Vergeire na bagamat wala pang datos ng Delta variant sa CARAGA, hindi nangangahulugan na talagang walang ganitong variant sa rehiyon dahil sa random o limitado lamang ang kinukuhang sample para isalang sa genome sequencing.
“But it doesn’t mean that they (CARAGA) do not have the variant. Katulad nga ng sabi natin, ‘yung sampling po kasi na ginagamit natin doesn’t really cover that much of the population for us to determine kung nasaan na siya sa mga regions,” dagdag nito.
Batay sa huling datos nuong Agosto 12, umaabot na sa 807 ang Delta variant cases sa bansa.
Bagamat kalat at tumataas ang bilang ng Delta variant, sinabi ni Vergeire na ang Alpha at Beta variants pa rin ang may pinakamaraming kaso sa bansa.

