Volcanic ‘smog’ na galing sa dalawang nag-aalburotong bulkan, umabot sa bahagi ng northern Luzon

UMABOT sa bahagi ng Northern Luzon ang volcanic ‘smog’ na nagmumula sa dalawang nag-aalburotong bulkan, ang Taal Volcano at ang submarine volcano na “Fukutoku-Okanoba” volcano ng Japan.

Kabilang sa apektadong mga lugar sa Luzon ay ang Zambales, Olongapo, Bataan, Pampanga Ilocos Norte , Ilocos Sur, La Union , Pangasinan , Abra , Apayao , Benguet , Baguio City,  Ifugao , Kalinga , Mountain Province , Cagayan , Isabela , Nueva Vizcaya , Tarlac , Nueva Ecija , Bulacan, Metro Manila, Cavite , Laguna , Batangas , Rizal , Quezon , Oriental Mindoro, Occidental Mindoro at Romblon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang volcanic smog ay binubuo ng mga pinong patak na nagtataglay ng volcanic gas tulad ng SO2 o sulfur dioxide na pawang mga acidic at maaring maging sanhi ng pagka irita ng mata, lalamunan at ng respiratory tract.

Samantala, ang sulfur dioxide ay isang nakakalasong usok na maaaring maka-apekto sa kalusugan ng tao at hayop, pati na rin sa mga halaman. Maaaring ma expose ang isang indibidwal kung ito ay malalanghap o sa pamamagitan ng skin contact.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.