11 lugar sa NCR, nananatiling Alert Level 4 dahil sa COVID-19

NAKATAAS pa rin ang Alert Level 4  dahil sa patuloy pa ring pagdami ng mga kaso ng COVID-19 at mataas na healthcare capacity sa labing-isang lugar sa National Capital Region.

Itinataas ang Alert Level 4 sa mga lugar na mayruong klasipikasyon na moderate hanggang critical risk dahil sa mataas na hawaan ng virus at ang utilization rate o kapasidad ng COVID-19 o ICU beds ay mahigit na sa pitumpung porsyentong okupado.

Tinukoy ng Department of Health ang Las Piñas, Malabon, Makati, Marikina, Muntinlupa, Navotas, San Juan, Pateros, Quezon City, Taguig, at Valenzuela na nasa Alert Level dahil nananatili ang positive two-week growth rate at mataas na high-risk average daily attack rate o ADAR.

Maliban sa Metro Manila, ilang lugar din sa Cordillera Administrative Region, Regions 1, 2,3, 4A, 5, 6, 7, 8, 10, 12 at CARAGA ang nakataas sa Alert Level 4.

Nauna na ring sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa 10,359 na ang average daily cases ng bansa, batas sa datos nuong Agosto 6 hanggang 12.

Sa ngayon ay high-risk classification pa rin ang Pilipinas makaraang makapagtala ng 2-week growth rate na animnapung porsyento, ADAR na 8.37 kaso kada isandaang libong populasyon, healthcare utilization rate na 58.81 percent at ICU occupancy rate na 68.08%.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.