Immigration status ng dayuhang tumakbo ng hubad sa riles ng MRT-3, inaalam na ng BI

Share this information:

INAALAM na ng Bureau of Immigration ang tunay na pagkakakilanlan at status ng legalidad ng pananatili sa Pilipinas ng dayuhang tumakbo ng nakahubad sa riles ng MRT-3 kahapon.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, aalamin nila ang immigration status ng dayuhan na sa inisyal na ulat ay natukoy na si Shang Fha, isang Chinese.

Sinabi ni Morente na kung matutukoy na illegal alien na ang dayuhan, isasalang siya sa deportation proceedings.

Gayunman, maaari lamang aniyang ma-deport si Shang Fha kung naresolba na at napagsilbihan nito ang sentensya o parusa sa kaso, kung mayruon man.

Batay sa naunang impormasyon ng MRT-3 management, habang sinusuri umano ng security personnel nito ang dayuhan ay bigla na lang naghubad at tumakbo at bumaba sa riles ng tren.

We will be coordinating with MRT officials to confirm the identity of this man.  We have received initial information about him already from the arresting agency,” ayon kay Morente. 

“We will check his immigration status in the country, if he is legally staying here,”  dadag pa nito.

(PHOTO CREDIT: pna.gov.ph)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.