AABOT sa 41 lugar sa Pilipinas ang itinuturing ng Department of Health na nasa ilalim ng Alert Level dahil sa risk classifications at healthcare capacity.
Tinukoy ng DOH ang Pateros, Quezon City, mga lungsod ng Las Piñas, Malabon, Makati, Marikina, Muntinlupa, Navotas, San Juan, Taguig, at Valenzuela sa NCR.
Kabilang pa sa nasa Alert Level 4 ay ang Apayao, Baguio City, Benguet, Dagupan City, Ilocos Norte, Cagayan, Quirino, Angeles City sa Pampanga, Tarlac, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Lucena City, Rizal, Naga City, Aklan, Iloilo, Iloilo City, Cebu, Cebu City, Lapu-Lapu City, Siquijor, Ormoc City, Bukidnon, Cagayan De Oro City, Camiguin, General Santos City, South Cotabato.
Itinataas ang Alert Level 4 sa mga lugar na mayruong klasipikasyon na moderate hanggang critical risk dahil sa mataas na hawaan ng virus at ang utilization rate o kapasidad ng COVID-19 o ICU beds ay mahigit na sa pitumpung porsyentong okupado.
Kabilang sa mga lugar na pinakahuling itinaas ang Alert Level 4 ay ang Dagupan City, Rizal, Aklan, Malabon, Muntinlupa, Navotas, at Valenzuela.
Kaugnay nito ay inirerekomenda ng DOH ang pagpapatupad ng granular lockdowns, mahigpit na contact tracing lalo na sa mga mayruong local Delta variant cases, pagpapataas ng bilang ng hospital beds, pagtiyak na may sapat na suplay ng oxygen tanks at agad na pagtugon sa mga severe at critical cases ng COVID-19.

