Dahil sa ECQ, pagpapalawig ng voter registration period, di pa natatalakay

SINABI ng Commission on Elections (Comelec) na walang talakayan tungkol sa maaaring pagpapalawig ng pagpaparehistro ng botante sa kabila ng muling pagpapataw ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila mula Agosto 6 hanggang 20.

The Commission en banc has not – repeat NOT – discussed the possibility of extension of the voter registration period,” ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez.

Nauna nang inihayag ng Comelec na sususpindihin nito ang pagpaparehistro ng mga botante sa National Capital Region habang ipinatutupad ang ECQ.

Aminado si Jimenez na makakaapekto sa voter registration para sa 2022 national and local elections ang muling pagpapa-iral ng mas pinahigpit na quarantine classification.

.Ayon kay Jimenez, mananatiling bukas ang mga voter registration sites sa Metro Manila hanggang Agosto 5.

Voter Registration will continue until Thursday, in areas currently conducting voter registration operations,” wika pa ni Jimenez

Tatagal naman ang voter registration sa buong bansa hanggang Setyembre 30, 2021.

Ang mga aplikasyon para sa pagpaparehistro at iba pang mga kahilingan ay maaaring iahin sa lahat ng mga OEC sa lungsod / munisipalidad kung saan naninirahan ang mga aplikante, mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon, mula Lunes hanggang Sabado.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.