AYON sa Department of Health (DOH), kaya pa naman ng healthcare system ang kasalukuyang sitwasyon sa Metro Manila.
Sinabi ni DOH Usec Maria Rosario Vergeire na ang healthcare capacity ngayon sa Metro Manila ay nasa “moderate risk” pero ito ay mahigpit na binabantayan.
Ito ay sa kabila ng sinasabi ng OCTA Research Group na opisyal nang may “surge” sa National Capital Region (NCR).
Ayon pa kay Vergeire, magkaiba ang parameters at thresholds na ginagamit ng DOH kaysa independent research groups tulad ng OCTA.
Giit nito, napapamahalaan pa ang mga kaso ngunit kailangan pa ring mag-ingat at panatilihing sumunod sa minimum public health standards at mainam na magpabakuna kontra COVID-19.
Nauna nang inirekomenda ng OCTA Research na magpatupad ng “circuit breaker lockdown” upang maiwasan na kumalat pa ang mga kaso ng Delta variant sa NCR.

