SA pangunguna ni Binangonan Municipal Administrator Russel Callanta Ynares, nagpamahagi ng cash assistance ang pamahalaang bayan ng Binangonan sa hindi bababa sa 200 benepisyaryo sa ilalim ng Student Employment Assistance Program FY 2021ng nasabing lokalidad.
Bukod sa administrador ng nasabing bayan, kabilang sa mga dumalo sina Konsehal Fidelito “Doc Dick” Ceñidoza, Konsehal Boy Cequeña at PESO Head Angelita Balajadia.

