PAGASA: Orange Rainfall warning sa Metro Manila, Bataan

Nagpalabas ng orange rainfall warning ang PAGASA sa Metro Manila na nangangahulugan na may panganib ng pagbaha.

Maliban sa Metro Manila, nakataas din ang orange warning sa Bataan.

Samantala, yellow warning naman ang nakataas sa Cavite, Batangas, Pampanga, Rizal at Zambales na ang ibig sabihin ay posible ang pagbaha sa mga mabababang lugar.

Ayon pa sa PAGASA, asahan na ang mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Nueva Ecija at Quezon sa loob ng tatlong oras.

Nakararanas naman ngayon ng katulad na panahon sa Laguna, Bulacan at Tarlac na inaasahang tatagal sa loob ng tatlong oras.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.