ITINAAS na ang ikalawang alarma sa Marikina City dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa ilog ng Marikina na umabot na sa mahigit 16 metro.
Hanggang kaninang alas-7 ng umaga, umabot ng 16.2 meters ang water level sa ilog.
Nakabukas na ang walong gate ng Manggahan Floodway upang makatulong na hindi umapaw ang ilog.
Nauna nang inilikas ang mga residente sa mga lugar sa lungsod ng maaaring maapektuhang pagbaha dahil sa pagtaas ng tubig sa Marikina River.

