Breaking News

Share this information:

Niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang Calatagan, Batangas na naramdaman maging sa Metro Manila, Sabado ng madaling araw.

Natunton ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang sentro ng lindol sa layong 23 kilometro ng Calatagan, Batangas dakong alas-4:48 ng madaling araw.

May lalim na 123 kilometro ang pagyanig ng tectonic ang pinagmulan.

Ayon sa PHIVOLCS, naramdaman ang Intensity V sa Calapan City at Puerto Galera, Oriental Mindoro; Sablayan at Magsaysay, Occidental Mindoro; at sa Carmona at Dasmarinas City, Cavite.

Nasa Intensity IV naman ang naitala sa Quezon City; Marikina City; Manila City; Makati City; Taguig City; Valenzuela City; Pasay City; Tagaytay City, Cavite; Batangas City at Talisay City, Batangas; San Mateo, Rizal habang Intensity III sa Pasig City; San Jose del Monte City, Bulacan.

Samantala, kung pagbabatayan ang instrumento ng PHIVOLCS, naitala ang Intensity V sa Calapan City & Puerto Galera, Oriental Mindoro; Intensity IV sa Batangas City, Batangas; Carmona, Cavite; Calumpit at Plaridel, Bulacan; Intensity III sa Quezon City; Marikina City; Pasig City; Las Pinas City; Muntinlupa City; Malabon City; Navotas City; San Ildefonso, Pandi, Malolos, San Rafael, at Marilao, Bulacan.

Na-monitor din ang instrumental Intensity II sa San Juan City; Dagupan City; Polillo, Quezon habang Intensity I sa Guinayangan, Quezon; Magalang, Pampanga; Iriga at Sipocot, Camarines Sur; Daet, Camarines Norte; Palayan City, Nueva Ecija; Iloilo City; Kalibo, Aklan; San Jose City, Antique; Bago City, Negros Occidental.

Wala namang inaasahan ang PHIVOLCS na pinsala sa nasabing pagyanig.

Gayunman, bandang alas-4:57 ng madaling araw nang maitala ang magnitude 5.5 na aftershocks sa layong 15 kilometro ng Calatagan. May lalim na 108 kilometro ang panibagong pagyanig.

Intensity V ang naramdaman sa Calatagan, Batangas; Intensity IV sa Balayan, Calaca at Mabini, Batangas; Intensity III sa Quezon City; Makati City; Manila City; Tagaytay City at Naic, Cavite; Batangas City, San Pascual & Bauan, Batangas; Hermosa, Bataan at Intensity II sa Lipa City, Batangas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: