NAMAHAGI si Taguig-Pateros First District Congressman Alan Peter Cayetano ng tig-P3,500 sa limampung mga may-ari ng sari-sari store sa lungsod ng Olongapo ngayong Sabado, July 10 sa ilalim ng programa ni Cayetano na “Sari-sari Store Community.”
Sa naturang aktibidad, inihayag muli ni Cong. Cayetano na kanyang pananaw na ang Sampung Libong Ayuda sana ay mapasama sa 5-year plan. “Nawa ay maintindihan ng mga policymakers ng bansa ang P10,000 ayuda ay hindi dole-out kundi isang ‘economic stimulus’ na makakatulong sa pamilya at ekonomiya.”
Ang “Sari-sari Store Community” program ni Cong. Cayetano ay nagkaroon na ng soft launch sa Baguio City, sumunod sa Dagupan at ngayon sa Olongapo. “Nais lamang po natin matulungan ang at least 100,000 na mga sari-sari store owner. Habang naglo-launch, ipinapaliwanag namin ang kahulugan ng programa, kung ano ang pwede pang magawa sa halagang P3,500.”
Dagdag pa niya na mula itong Hulyo hanggang Setyembre ay magpu-full blast na sila sa programa.

