8 arestado sa online sabong sa Caloocan City

ARESTADO ang walong indibidwal kabilang ang isang security guard at dalawang estudyante matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang iligal na online sabong sa Caloocan city.

Kinilala ni NPD-District Special Operations Unit (DSOU) OIC PMAJ Amor Cerillo ang mga naaresto na si Candy Alday, 34, Irish Jane Pangindian, 23, Feith Allen, 21, Eleseo De Leon, 38, Pascual Represilo, 42, Rowino Ricafort, 58, security guard, Mark Kevin Estrada, 24, estudyante, at ang 17-anyos na dalagitang estudyante.

Sa report ni Major Cerillo kay NPD Director PBGEN Nelson Bondoc, nakatanggap ang opisina ng DSOU ng impormasyon mula sa isang confidential informant hinggil sa nagaganap na illegal gambling (online) sa No. 342 Sitio Uno St. Barangay 2.

Kaagad bumuo ng team ang DSOU sa pangunguna ni Major Cerillo sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Allan Umipig, kasama ang 4th MFC-RMFB NCRPO sa pangunguna ni PLT Abe Lunggami saka pinuntahan ang naturang lugar.

Pagdating ng mga operatiba sa lugar dakong 8:45 ng gabi, narinig nila ang malalakas na boses sa harap ng internet shop ni Alday na sumisigaw “sa wala, sa meron” na naging dahilan upang agad nilang inaresto ang mga suspek matapos maaktuhang nagsasagawa ng illegal gambling na tinatawag na “Online Sabong”.

Nakumpiska ng mga operatiba sa lugar ang isang cellphone na gamit sa Online Sabong, notebook, ballpen, P15,190 bet money sa magkakaibang domination at tatlong unit ng CPU at monitors.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.