Manila Mayor Domagoso, lumagda sa MOA para sa National ID

Lumagda ng Memorandum of Agreement (MOA) para sa National ID sa mga Manilenyo si Manila Mayor Francisco Domagoso bilang pagsuporta sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa pakikipagpulong ng mga kinatawan ng PSA kay Mayor Domagoso, inilahad nila sa alkalde ang  hangad nilang maisakatuparan na magkaroon ng National ID ang mga residente sa lungsod bago pa man ang 2022 national election.

Ang National ID  ay magiging permanente nang  pagkakakilanlan ng isang indinidwal sa bansa na kanilang magagamit habangbuhay.

Hiniling naman ng PSA  sa pamahalaang lungsod ang ilang pwesto tulad na lamang ng mga eskuwelahan upang hindi na lumayo pa ang mga Manilenyo sa kanilang mga tahanan para makapagparehistro ng kanilang National ID.

Sinang-ayunan naman ng alkalde ang kahilingan ng PSA  at sinabing pag-aaralan nila ito upang masimulan na ang pagpaparehistro.

Pinayuhan naman ng alkalde ang mga residente na agad magpatala para sa National ID  sa sandaling bumaba  na ang PSA sa mga barangay.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.