Sen. de Lima, nakalabas na ng ospital

Share this information:

Nakalabas na ng ospital ngayong Martes si Senator Leila de Lima matapos ang tatlong araw na medical furlough na ibinigay ng korte.

Si Sen. de lima ay nanatili ng ilang araw sa Manila Doctor’s  Hospital at sumailalim sa medical examination batay na rin sa rekomendasyon ng doktor matapos itong makaranas ng posibleng mild stroke.

Dalawang korte sa Muntinlupa na humahawak sa kanyang kaso na may kaugnayan sa ilegal na droga ang nagbigay ng emergency medical furlough sa senadora.

Sumailalim din ito sa brain magnetic resonance imaging at blood chemistry. Gayunman negatibo naman ang senadora  sa COVID-19. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.