Natagpuan na rin ang dalawa pa sa siyam na tripulante ng sumadsad na barko sa Surigao del Norte.
Sa latest update ng Philippine Coast Guard (PCG), natagpuan ang bangkay ni Klint Auxtero sa baybayin ng Barangay Oslao, San Francisco Surigao del Norte habang sa Barangay Balite, San Francisco, Surigao del Norte naman natagpuan ang bangkay ni Limuel Dadivas.
Samantala,pinangasiwaan naman ng PCG Marine Environmental Protection Force-North Eastern Mindanao ang siphoning operations na isinasagawa sa LCT Cebu Great Ocean.
Nag-isyu rin ang PCG Station Surigao del Norte ng “certification of Salvage Inspection Number 1” kay Raul Basmayor, PCG-accredited salvor bilang supporting document sa kanilang salvage operations sa nasabing cargo vessel.
Sa ngayon pito pa ang patuloy na pinaghahanap sa nagpapatuloy na search and rescue operations ng PCG.

