Anim na lugar sa bansa, may red tide

NAGBABALA ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagkain ng mga lamang-dagat mula sa karagatan sa anim na lugar sa bansa.

Batay sa shellfish bulletin no. 11 ng BFAR, natukoy na nagpositibo sa paralytic shellfish poison na mas mataas sa regulatory limit ang lahat ng uri ng shellfish at alamang mula sa Lianga Bay sa Surigao del Sur; baybayin ng Hinatuan sa Surigao del Sur; Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; at sa baybayin ng Calubian sa Leyte.

Ligtas naman na ikonsumo ng tao ang mga isda, pusit, hipon at alimasag basta’t lilinisin lamang mabuti at maayos na lulutuin.

Iminungkahi rin ng BFAR na hugasan mabuti ang lamang-dagat at alisin ang mga hasang at bituka bago lutuin.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.