200 toneladang “taklobo” nasabat sa Palawan

MULING nakasabat ng tinatayang P1.2 bilyong “taklobo” ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Sitio Green Island, Barangay Tumarbong, Roxas, Palawan.

Ayon sa PCG, isang joint law enforcement operation ang ikinasa kung saan apat na indibidwal ang naaresto sa nasabat na 200 toneladang taklobo.

Ayon kay PCG District Palawan Commander, Commodore Genito Basilio, ang nasabing insidente ay ititnuturing na pinakamalaking nahakot na giant clam shell sa probinsya sa ngayon.

Kinilala naman ang mga naaresto na sina Rey Cuyos, 54 anyos; Rodolfo Rabesa, 48 anyos; Julius Molejoa, 47 anyos; at Erwin Miagao, 40 anyos dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Dinala ang mga naaresto sa Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) para sa inquest proceedings at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Ang magkasanib na law enforcement operations ay matagumpay na isinagawa ng Coast Guard Intelligence Group Palawan, Coast Guard District Palawan, Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), PNP – Maritime Group Palawan, AFP Intelligence Operatives, at Bantay Dagat Roxas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.