“Red Tide,” kalat sa Visayas at Mindanao region

Share this information:

IBINABALA ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang kontaminasyon ng red tide sa mga baybaying sakop ng malalaking bahagi ng Visayas at Mindanao Region.

Sa abiso ng BFAR, pinaiiwas ang publiko sa pagkain ng mga lamang dagat partikular ang shellfish na nakukuha sa coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; sa mga baybaying dagat ng Calubian, Leyte; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental; at Lianga Bay at Coastal waters sa Hinatuan, Surigao del Sur.

Ayon sa BFAR, positibo sa paralytic shellfish poison ang mga shellfish sa mga nabanggit na lugar at lagpas sa regulatory limit.

Partikular na ipinagbabawal ng BFAR ang pagkain ng alamang.

Maaari namang kainin ang isda, pusit, hipon, at alimango basta’t siguraduhin lamang na sariwa ang mga ito at lutuing mabuti.

Kailangan din na tanggalin ang mga lamang loob at kaliskis. Ligtas naman sa red tide ang baybaying dagat sa Cancabato Bay sa Tacloban City sa Leyte.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

200 toneladang "taklobo" nasabat sa Palawan

Sat Apr 17 , 2021
MULING nakasabat ng tinatayang P1.2 bilyong “taklobo” ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Sitio Green Island, Barangay Tumarbong, Roxas, Palawan. Ayon sa PCG, isang joint law enforcement operation ang ikinasa kung saan apat na indibidwal ang naaresto sa nasabat na 200 toneladang taklobo. Ayon kay PCG District Palawan Commander, Commodore […]

Follow Us

%d bloggers like this: