Nadagdagan pa ng 4,899 ang mga bagong kaso ng Coronavirus disease sa bansa batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Departmentf of Health (DOH) ngayong araw, March 14.
Sa kabuuan, umabot na sa 621,498 ang mga tinatamaan ng naturang sakit sa bansa..
Sa kabila nito, nakapagtala naman ng 13,371 na recoveries ngayong araw sa pamamagitan ng oplan recovery ng DOH dahilan para maging 560,512 na ang mga gumagaling sa sakit.
Umabot naman sa 63 ang naitala na mga bagong nasawi sa COVID-19 kaya’t ang kabuuang bilang na ng mga namamatay sa sakit ay umakyat na sa 12,829.
Ang mga aktibong kaso naman ay nasa 48,157 na lamang kung saan ang mild at asymptomatic na kaso ay halos nasa 96 percent.
Nasa 12 duplicates naman ang kinailangang alisin sa total case count kung saan 9 ang recoveries.
Nasa 16 kaso naman na na-tag bilang recoveries ang na-reclassify bilang deaths matapos ang final validation.
