Breaking News

Share this information:

NASA halos isandaang lugar na sa Pilipinas ang nasa ilalim ngayon ng pinaiiral na bagong sistema ng alerto na COVID-19 Alert Level 4.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa ikalawang pinakamataas na alerto ang 97 lugar sa bansa dahil sa mahigit na sa 70-porsyentong okupado o ang hospital utilization rate.

“For now, we have 97 areas in the country where we are at Alert Level 4. And when we talk about Alert Level 4, your hospital utilization is more than 70% already. It is that risk that we need to monitor, and we need to augment our resources so that we can further expand,” pahayag ni Vergeire.

Sa kabila ng pagtaas ng antas ng mga okupadong ospital, naniniwala si Vergeire na mababawasan ang mga severe at kritikal na kaso dahil sa pagbabakuna.

“Hopefully, in the coming days, we’ll be able to have a reduction in the number of cases in the hospitals,” dagdag nito.

12 rehiyon, high risk pa rin – DOH

NAKAPAKO pa rin sa klasipikasyon bilang high risk ang Metro Manila gayundin ang labing-isa pang rehiyon sa bansa dahil sa mga kaso ng COVID-19 at malaking bilang ng mga okupadong kama at intensive care unit sa mga ospital.

Ayon kay Vergeire, umakyat sa 39.56% ang average daily attack rate sa Metro Manila nuong Setyembre 6 hanggang 19 mula sa 33.71% nuong Agosto 23 hanggang Setyembre 5.

Kasama rin sa 12 rehiyon ang Cordillera Administrative Region, Region 02, Region 4A, Caraga, Region 3 at 11

Base sa datos ng DOH, nasa 70.57% ang bed utilization sa mga ospital sa Metro Manila at 76.64% ang ICU utilization. Pinakamataas na bed utilization rate sa CARAGA na nasa 87.89% sumunod ang Region 02 na nasa 86.21%. Ang CAR at Region 5 ang high risk sa mechanical ventilators na nasa 83.95% at 75% ang utilization rate.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: