Breaking News

Share this information:

HINDI madaanan ng mga motorista ang walong national road sections sa Cordillera Administrative Region (CAR), apat  sa Region 1, dalawa sa Region 2 at isa sa Region 7 dahil sa mga nagbagsakang puno, lupa, putik, baha at nasirang mga tulay dala ng bagyong “Maring” at tropical depression “Nando.” 

Tinukoy ng Department of Public Works and Highways-Bureau of Maintenance (DPWH-BOM) ang mga apektadong kalsada sa CAR sa Kennon Road,  Camp 1 sa Tuba, Benguet ; Baguio- Bontoc Road sa Caliking, Half Tunnel sa Paoay, at Cattubo, Atok, Benguet; Asin-Nangalisan – San Pascual – La Union Boundary Road sa Lasong at First Tunnel sa Sipitan, Tadiangan town, Benguet dahil sa nagbagsakang puno at pagguho ng lupa.

Sarado rin ang Apayao-Ilocos Norte Road,  Butao, Calanasan, Apayao dahil sa landslide; Pico – Lamtang Road, Lamtang, La Trinidad, Benguet dahil sa bumagsak na puno at pagguho ng lupa; Gov. Bado Dangwa National Road sa Poblacion at sa Palina, Kibungan, Benguet; Cong. Andres Acop Cosalan Road sa Amlimay at Abatan, Buguias, Benguet;  Abatan-Mankayan-Cervates Road at Dowag, Guinaoang, Mankayan.

Sa Region 1, hindi rin madaanan ang Manila North Road sa Brgy. Sacuyya, Santa at Bayugao Bridge, Sta. Cruz, Ilocos Sur dahil sa landslide at nasirang tulay ; San Juan – San Gabriel Road, at Luna – Bangar Road sa La Union dahil sa pagbaha at landslide; Rosario – Pugo Road, Brgy. Ambalite, Pugo, La Union dahil naman sa mudslide.

Ang mga apektado namang kalsada sa Region 2 ay ang Baybayog-Baggao-Dalun-Sta. Margarita Road, Abusag Overflow Bridge, sa Cagayan at Cabagan-Sta. Maria Overflow Bridge, Cabagan, Sta. Maria, Isabela na pawang mataas ang level ng tubig.

Sa  Region 7, iniulat ang saradong kalsada sa bahagi ng  Cebu-Toledo Wharf Road, Brgy. Manipis, Talisay City, Cebu dahil sa pagguho ng lupa at mga bato.

Iniulat din ng DPWH-BOM na ilang kalsada pa ang may limitadong  access dahil sa pagbaha sa Region 1. 

Ang mga kalsada na maaari lamang daanan ng malalaking sasakyan ay ang Manila North Road sa  Sta. Cruz-Sta. Lucia Boundary, sa Candon, sa Brgy. Baliw Daya, Sta. Maria, at sa Brgy. Nanguneg, Narvacan sa probinsya ng Ilocos Sur; at Manila North Road sa La Union.

Samantala, nadadaanan pa ang Batangas-Tabangao-Lobo Road ng mga maliliit na sasakyan dahil sa nasirang seawall at road slip ng nagdaang mga bagyo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: