Lumubog ang isang motorbanca na may sakay na pitong pasaherong sa katubigan ng Green Island sa Bayan ng Roxas, Palawan bunsod ng malalakas na hampas ng hangin at malaking alon nitong Huwebes.
Agad na tumugon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa naturang maritime incident na nangyari sa habang Poblacion mula Barangay Calandagan na parehong matatagpuan sa Bayan ng Araceli, Palawan.
Agad na nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng PCG sa mga dumaraang sasakyang-dagat para alamin kung may namataan silang lumubog na bangka ngunit negatibo ang resulta nito.
Dahil sa masamang lagay ng karagatan ay sinuspinde pansamantala ng PCG ang kanilang search and rescue operations.
Sa pinakahuling update ng PCG mula sa Coast Guard Palawan, natagpuan na ng mga crew ng BRP Melchira Aquino (MRRV -9702) ang pitong pasahero.

