7 mangingisda nawawala sa banggaan ng bangka at cargo vessel sa Palawan

Share this information:

PITONG mangingisda ang patuloy nang pinaghahanap matapos na makabanggaan ng kanilang sinakyang fishing boat ang isang cargo vessel sa karagatang sakop ng Maracanao Island sa Agutaya, Palawan.

Ayon kay Philippine Coast Guard spokesperson Commodore Armand Balilo, pasado alas-sais kagabi nang magbangaan ang fishing boat JOT-18 na may 20 crew at ang cargo vessel na MV Happy Hiro.

Nailigtas ang labing-tatlo sa mga mangingisda at agad na binigyan ng atensyong medikal.

Iniutos na ni Coast Guard Commanding General Admiral Artemio Abu ang malawakang search and rescue operation upang mahanap ang pito pang mangingisda.

Inalerto na rin ng PCG ang mga rescue unit sa lugar para hanapin ang mga nawawawalang crew ng fishing boat kasabay ng pagpapalabas ng Notice to Mariners upang makatulong din ang mga barko sa pagliligtas.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.