67-anyos na lola, nasagasaan ng pick-up

crime scene do not cross
Share this information:

NAGTAMO ng mga sugat ang isang 67-anyos na lola nang masagasaan ito ng isang pick-up habang tumatawid sa lugar ng Ermita, Maynila Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima bilang si Dulce Liwanag Laurio, isang liaison officer ng 42A Dayap Street, Western Bicutan, Taguig City habang ang driver ng pick-up na may plakang NBD 5863 ay kinilalang si Mhark Jay Nidoy, 40 anyos, isang company driver ng L4 B4 Havilah Residences, Pagdaraoan, City of San Fernando, La Union.

Sa ulat ni Corporal John Patrick Ted Mañaol ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU), dakong alas-7:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng M.H. Del Pilar Street at Pedro Gil Street, Ermita, Manila.

Sa imbestigasyon, binabagtas ni Nidoy ang southbound part ng M.H. Del Pilar St. at pagsapit sa panulukan ng Pedro Gil St., ay kumaliwa ito kung saan papatawid naman ang biktima kaya ito nabangga.

Nagtamo ng sugat ang biktima sa kanyang pagkakabagsak sa sementadong kalsada dahilan para siya ay isugod sa Philippine General Hospital (PGH).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.