Oil price hike

Magpapatupad ng oil price hike sa araw ng Martes, September 22, ang ilang mga kumpanya ng langis sa bansa.

Batay sa anunsyo ng Pilipinas Shell at Total Philippines, magtataas ng P0.60 sa presyo ng kada litro ng gasolina, P0.55 sa kerosene at P0.20 naman sa presyo ng diesel bandang alas 6:00 ng umaga.

Agad sumunod ang Seaoil sa kaparehong dagdag-presyo sa kanyang produktong petrolyo ngayong araw.

Hindi rin nagpahuli ang PTT Philippines, Petro Gazz at Cleanfuel na may katulad na dagdag-presyo sa kanilang gasolina at diesel.

Ang bagong price adjustment sa produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.