NADAGDAGAN pa ng lima ang mga kaso ng Omicron subvariant na BA.2.12.1 na natukoy sa Western Visayas Region.
Ayon sa Department of Health, kabilang sa mga ito ang tatlong retuning overseas filipinos (ROF) na galing US na pawang mga fully vaccinated laban sa COVID-19 at dalawang local cases na fully vaccinated din.
Sa ngayon ay mayruon nang 22 kaso ng BA.2.12.1 sa bansa kabilang ang 18 locally acquired at 4 ROFs na nasa Western Visayas.
Kaugnay naman ng kaso ng Omicron subvariant na BA.4, sinabi ng DOH na sa ngayon ay asymptomatic na ito at itinuturing na gumaling na at nakatapos na rin ng mandatory quarantine.
Sa kabila nito, sinabi ng DOH na maituturing na mild ang karamihan sa mga kaso ng mga bagong subvariant ng Omicron sa bansa.