5 arestado sa shabu sa Caloocan at Valenzuela

Limang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang 60-anyos na lolo, ang arestado sa magkakahiwalay na drug operation ng pulisya sa mga lungsod ng Caloocan at Valenzuela.

Dakong alas 6 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Tuna Police Sub Station sa Brgy. 35 nang isang concerned citizen ang lumapit sa kanila at ipinaalam ang hinggil sa umano’y nagaganap na palitan ng droga sa Tambakan St., Brgy. 35.

Kaagad nirespondehan ng mga pulis ang naturang lugar kung saan naaktuhan ng mga ito ang limang katao na nagpapalitan umano ng plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagresulta sa pagkakaaresto kay Rey Llano, 32 anyos, Rolando Cortes, 60 anyos, Patrick James Guasis, 21 anyos, at Angel Caseja, 18 anyos, habang nagawa namang makatakas ang isang hindi kilalang kasama ng mga ito.

Nakumpiska sa mga naarestong suspek ang tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Sa Valenzuela, nadakma naman ng mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Joel Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega ang umano’y drug pusher na si Jovanni Torreon, 31 anyos, matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa buy-bust operation sa Sta Maria St., Gen. T. De Leon dakong 11:50 ng gabi.

Nakuha  kay Torreon ang nasa 3 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga, buy-bust money, P200 cash, at dalawang cellphone.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.