Mas mahigpit na health protocol sa Maynila, ipinag-utos ni Mayor Isko

Share this information:

Ipinag-utos na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pagpapatupad ng mas mahigpit na  health protocols sa kalsada at mga barangay.

Kasunod ito ng ginanap na directional meeting na pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “isko Moreno” Domagoso kasama si Manila Police District (MPD) Director P/Brig. General Leo Francisco at mga station commander kung saan ipinag-utos ng alkalde ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocol upang matigil ang  tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Inatasan din ng alaklde si Manila Barangay Bureau director Romeo Bagay na i-lockdown ang alin mang barangay  na patuloy ang paglobo ng mga kaso ng COVID-19.

Kinakailangan lamang aniya na makipag-coordinate kay  Francisco para sa security plan.

Inatasan din ng alkalde na umikot  ang mga  tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na siyang magsisilbing taga sita o COVID-19 Marshals at magsasaway  ng mga pasaway sa kalsada.

Ang naturang mga utos ay gagawin aniya ng tuloy-tuloy, walang patid, lalo na sa susunod na dalawang linggo.

Dagdag pa ni Domagoso  sa ibang departamento ng pamahalaang lungsod na ihanda ang  pagdedeliver ng monthly food boxes para sa buwan ng Marso para sa lahat ng 700,000 mga pamilya sa lungsod.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

417 doses ng CoronaVac galing DOH, dumating na sa Bataan

Mon Mar 8 , 2021
Dumating na sa Bataan General Hospital and Medical Center (BGHMC) nitong Sabado ang mga bakuna kontra COVID-19 para sa mga healthcare workers. Ayon kay Bataan Governor Abet Garcia, ang 417 doses ng CoronaVac na tinanggap ng BGHMC sa pamumuno ni Medical Center Chief Dr. Glory Baltazar ay mula sa Department […]

Follow Us

%d bloggers like this: