PUMANAW na ang apat na buwang sanggol na babae sa Occidential Mindoro makaraang tamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Provincial Governor’s Office, ang naturang beybi ang ika-63 kaso ng COVID-19 sa lalawigan.
Sinasabing walang kasaysayan ng pagbiyahe at wala ring exposure o walang nakasalamuhang nagpositibo sa virus infection ang batang biktima.
Nakaranas lamang ito ng ubo at hirap na paghinga at isinugod sa ospital nuong gabi ng Setyembre 11.
Sa resulta ng swab test sa paslit, nakumpirmang nagkaroon ito ng COVID-19 at ang dahilan ng pagkamatay ay respiratory failure at aspiration pneumonia.