Breaking News

Share this information:

NADAGDAGAN pa ng tatlong milyong doses ng bakuna na gawa ng kumpanyang Sinovac ang suplay ng COVID-19 vaccines ng bansa.

Kasunod ito ng pagdating ng mga binili ng gobyerno na doses ng CoronaVac ng Sinovac mula sa China.

Bago alas-sais ng Linggo ng gabi nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang flight PR 359 lulan ang bulto ng mga bakuna laban sa COVID-19.

Photo Courtesy: NTF Against COVID-19

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr., may inaasahan pang 2.5 milyong doses ng Sinovac vaccines sa mga susunod na araw.

Prayoridad aniya na dalhin ang mga bagong dumating na bakuna sa mga rehiyon 1, 2, 3, 4-A, 6 7, 9 at 11.

Sa huling datos ng National Task Force Against COVID-19, umaabot na sa 69,699,340 doses ng bakuna ang dumating sa bansa.

Sa nasabing bilang, 44,964,020 ang binili ng national government, nasa 16,067,680 naman ang donasyon mula sa COVAX facility, 5,028,680 mula sa mga pribadong sektor at local government units habang nasa 3,639,140 ang donasyon mula sa ibang mga bansa.

Umaabot na rin sa 54,328,760 ang mga bakunang naideploy sa bansa at nasa 43,815,426 na ang naiturok sa populasyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: