Mga namatay sa isang kumbento sa Quezon City, umabot na sa 10

NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga miyembro ng Congregation of the Religious of The Virgin Mary (RVM Sisters) na namatay dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay RVM Sister Ma. Anicia Co, 10 na mula sa 62 madre na tinamaan ng COVID-19 ang pumanaw.

Sinabi pa nito na 20-porsyento ng mga nagkasakit ay kritikal o malala ang kondisyon bagamat ang ilan sa kanila ay papagaling na.

Inamin din ni Sister Co na kulang sila ng mga madre na tutugon sa mga pangangailangan ng mga may sakit ngunit marami rin ang tumutulong.

“We are short of sisters and personnel to attend to the needs of the sisters and lay pero talaga pong maraming tumutulong kaya sobra ang pasasalamat namin sa kanila,” ayon kay Sister Co.

Kasabay nito, itinanggi ni Sister Co at tinawag na fake news ang kumalat na solicitation letter mula umano sa RVM Sisters.

“Medyo nag-aalangan po kami magsabi kasi namedropping po ba, ginagamit ang aming pangalan para mangalap ng kung ano-ano,” ayon sa madre.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.