Breaking News

Share this information:

NAKUHA na ng nasa 3,003 mga pamilyang Navoteño ang kanilang pinakahihintay na second tranche emergency subsidy sa ilalim ng Bayanihan 1 Social Amelioration Program (SAP).

Ang Department of Social Welfare and Development–National Capital Region (DSWD-NCR), sa koordinasyon sa pamahalaang lungsod ng Navotas, ay sinimulan na ang pamamahagi ng P5,000 cash assistance bilang partial payout sa mga benepisyaryo.

Nasa 448 benepisyaryo na ang mga pangalan ay kasama sa 51 mga liham na ipinadala ng Navotas sa DSWD-NCR, ay nakakuha na ng kanilang cash aid noong nakaraang Sabado. Ang natirang 2,555 ay matatanggap ang kanilang second tranche sa Oktubre 11-18, 2021.

Our constant follow-up and dogged perseverance have borne fruit at last! We are glad that beneficiary-families will now receive the cash assistance due to them. We will continue to coordinate with DSWD-NCR to address the appeals of other Navoteños who have yet to get their financial aid,” ani Mayor Toby Tiangco.

Ang Bayanihan to Heal As One Act 1 ay nag-expire noong 2020 kaya gumawa ng paraan ang DSWD na makakuha ng pondo para sa P8,000 second tranche sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Sa ilalim ng AICS, maximum lamang na P5,000 ang maaaring ibigay sa anumang indibidwal na benepisyaryo habang ang natirang P3,000 ay ipamamahagi ng DSWD sa ibang oras.

Noong Setyembre, 668 na pamilyang Navoteño ang nakatanggap ng kanilang pinakahihintay na P8,000 na emergency cash assistance. Bahagi rin sila sa mga ipinadalang liham ni Mayor Tiangco sa DSWD.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: