3 suspek sa Dacera slay case, pinalaya ng piskalya

Share this information:

INIUTOS ng Makati City Prosecutor’s Office ang pagpapalaya sa tatlong suspek sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Angela Dacera.

Kasabay nito ay iniatas din ng piskalya na ibalik sa pulisya ang kaso upang masusi pang maimbestigahan.

“After a thorough evaluation of the facts and evidence presented during inquest proceedings, the Office of the City Prosecutor, Makati City resolved to refer the case for further investigation and to release the arrested persons from detention,” ayon kay Prosecutor General Benedicto Malcontento sa isang kalatas.

Kabilang sa mga iniutos na mapakawalan ay sina John Pascual Dela Serna III, Rommel Galido, at John Paul Halili.

Ang reklamo laban sa tatlo ay muling isasalang sa malalim na imbestigasyon ng pulisya partikular na ang pagtukoy kung hinalay at pinatay si Dacera at kung sino ang mga responsable.

Ipinatutukoy din kung ang aktwal na sanhi ng pagpatay ay dahil sa rape o may iba pang motibo.

Inatasan din ng Makati City Prosecutor ang pulisya na magsumite ng karagdagang mga ebidensya tulad ng DNA analysis report, toxicology/chemical analysis, at histopath examination report.

Una nang nagtagpuan na walang buhay si Dacera sa bathtub sa isang hotel sa Makati City nuong Enero 1 o pagkatapos ng New Year’s Eve party nito kasama ang mga kaibigan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.