Kelot binaunan ng ‘tingga’ sa dibdib patay

Share this information:

DALAWANG tama ng bala ng hindi pa batid na uri ng baril sa dibdib ang dahilan ng pagkamatay ng isang lalaki matapos itong tambangan sa bayan ng Rodriguez, Rizal.

Nakilala ang biktima na si Ricky Bulfani Longa, na nalagutan ng hininga habang ginagamot sa H-Vill Hospital pasado alas dose ng hatinggabi ngayong araw ng Huwebes, (Enero 7, 2021).

Batay sa inisyal na report ng Rizal Municipal Police Station, naganap ang pamamaril ng suspek na nakilalang si Reynaldo Quintana pasado alas 6 ng gabi ng Miyerkules sa bahagi ng Sitio Catmon Barangay San Rafael.

Sakay umano ang biktima sa kanyang motorsiklo habang binabaybay ang nabanggit na lugar ng bigla itong harangin ni Quintana at walang sabi sabing pinaputukan nito ng dalawang beses si Longa.

Hindi pa malaman ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa pamamaslang ni Quintana na subject ngayon ng manhunt operation.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.