Pari na kumandidato sa pagka-alkalde sinuspinde ng CBCP

Share this information:

SINUSPINDE ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang isang pari matapos na maghain ng kanyang kandidatura sa pagka-alkalde  sa isang bayan sa Camarines Sur.

Ayon sa News website ng CBCP, sinabi ni  Camarines Sur Bishop Jose Rojas na nilabag ni  Fr. Granwell Pitapit ang  Canon Law, na nagsasaad na  hindi maaring masangkot sa pulitika ang isang pari.

Sa ilalim ng Canon Law 285, ang mga kleriko ay pinagbabawalang kumuha ng pampublikong katungkulan na nagkaloob ng pakikilahok sa paggamit ng kapangyarihang sibil.

“Such suspension is deemed irreversible, thus preventing him permanently from returning to the priestly ministry,” nakasaad sa circular ng Obispo na may petsang Oct. 22 ngunit inilabas sa media kahapon araw ng Martes, Oktubre 26, 2021.

Sinabi ng Obispo  na hindi na maaring makalahok si Pitapit sa mga programa ng diocese dahil sa kanyang suspensyon.

Ayon pa kay Bishop Rojas, ipinag-uutos pa rin kay Pitapit na sundin ang kanyang mga panata bilang pari tulad ng hindi pag-aasawa.

“Such vows, therefore, continue to bind him and can only be completely suppressed through the process of laicization,” ayon sa Obispo.

“Nonetheless, Fr. Pitapit is now free, without incurring further canonical censure, to engage in secular undertakings that do not violate his priestly vows,” dagdag pa nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

OFW flights revives Subic as global gateway

Wed Oct 27 , 2021
SUBIC BAY FREEPORT — THE frequent arrival here of Philippine Airlines (PAL) flights to bring home overseas Filipino workers (OFWs) stranded abroad because of the Covid-19 pandemic has given the Subic Bay International Airport (SBIA) a new lease of life as a global gateway. Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman […]
%d bloggers like this: