Oral arguments sa Anti-terror bill sa Korte-Suprema, dinumog ng kilos-protesta

Share this information:

NAPUNO ng demonstrador ang Padre Faura sa Taft Avenue Maynila matapos magsagawa ng kilos protesta ang ilang mga grupo kaugnay sa gagawing oral argument mamayang hapon sa Korte Suprema hinggil sa Anti-Terrorism Law.

Dahil sa pagbuhos ng kilos-protesta, nagdulot naman ito ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko kung saan isang linya na lamang ng southbound lane ng Taft Avenue ang dinaraanan ng mga motorista matapos isara ng pulisya ang Padre Faura.

Kabilang sa mga grupo na nagsagawa ng protesta ang mga kasapi ng Iglesia Filipina Independiente at iba pang mga grupo.

Mayroon namang isang effigy ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Padre Faura bilang pagpapakita sa malaking pagtututol ng mga demostrador sa Anti-Terrorism Law.

Sa gitna naman ng banta ng COVID-19 at bagong variant ay hindi na nasunod ang health protocol tulad ng social distancing dahil nagdikit-dikit na ang mga nagpo-protesta kung saan karamihan sa mga ito ay wala pang suot na mga face shield.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

PhilMech distributes P202M worth farm machineries to Bukalenyo farmers

Tue Feb 2 , 2021
IN PHOTO: BULACAN Governor Daniel Fernando (2nd right) together with Congresswoman Lorna Silverio (right), Ma Gloria Carrillo, Provincial Agriculturist (left) and Rizaldy Mendoza, City Administrator of City of San Jose Del Monte during the ceremonial turn over of agricultural machineries to Bulakenyo farmers held at the Bulacan Capitol Gymnasium on […]

Follow Us

%d bloggers like this: