3 Facebook poser ni General Cascolan, tukoy na

Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) kung sinu-sino ang mga nasa likod ng bogus o pekeng Facebook accounts ni Police General Camilo Cascolan na ginagamit para makapanloko.

Bagamat hindi pa ibinubunyag ang mga detalye para pangalanan ang mga suspek ay tiniyak na nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon.

Nakarating din sa kaalaman ng PNP Chief na may 3 accounts ang nakapangalan sa kanya na nanghihingi umano ng donasyon o salapi upang ipambili umano ng tablets para sa online classes ng mga mahihirap na mag-aaral.

Ito ang dahilan kaya’t agad silang dumulog sa pamunuan ng Facebook upang imbestigahan at tanggalin na ng tuluyan ang mga nasabing account upang maputol na ang ginagawa nitong modus.

Kabilang sa mga kumilos para tuntunin ang sinasabing mga bogus account ni Cascolan ay ang PNP Anti-Cybercrime Group o ACG, Intergrity Monitoring and Enforcement Group o IMEG at ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sa huli, nagbabala si Cascolan sa mga nananamantala sa paggamit ng Social Media para sa pansariling interes na magtago na dahil kargado na sa karanasan at kagamitan ang pulisya para supilin ang mga kawatan sa cyberspace.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.