‘Undas website’ ng CBCP, binuksan sa publiko

Binuksan nang muli ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang kanilang ‘Undas website’ upang tumanggap ng prayer requests ng mga mamamayan para sa mga kaluluwa ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Ito’y kasunod na rin ng kautusan ng pamahalaan na isara ang mga sementeryo, memorial parks at mga kolumbaryo sa bansa sa panahon ng ‘Undas’, o mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4, upang maiwasan ang pagkakaroon ng mass gathering at posibleng hawahan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Monsignor Pedro Quitorio, media office director ng CBCP, magkakaroon sila ng live online Masses na i-stream sa iba’t ibang lugar sa panahon ng ‘Undas’.

Maaari rin aniyang magtirik ng kandila online ang isang indibidwal para sa kaniyang yumaong mahal sa buhay habang ipinagdarasal ang kaluluwa ng mga ito.

May alok ring audio at video reflection at catechesis ang simbahan ngayong Undas.

Nabatid na ang ‘Undas Online’ ay nasa ikasiyam na taon na ngayon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.