Breaking News

Share this information:

ARESTADO ang dalawampu’t pito na hinihinalang mga drug pushers   sa isinagawang buy bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite Linggo ng madaling araw.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang buy bust operation sa pagitan ng alas-9:40 Sabado ng gabi hanggang ala-1:30 Linggo ng madaling araw sa limang Lungsod at tatlong bayan kung saan umabot sa 27 katao ang inaresto.

Parehong tig-anim na mga hinihinalang tulak ang naaresto sa Imus City at Tanza habang (5) naman sa Bacoor City ; tatlo naman sa Gen. Trias City habang tig (2) naman sa Naic at General Mariano Alvarez (GMA) at isa sa Trece Martires City.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: