Breaking News

Share this information:

NASA kabuuang 7,228 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na naitala ng Department of Health ngayong araw.

Dahil diyan, umaabot na sa 1,269,478 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa at sa nasabing bilang, 59,337 ang active cases o ang mga pasyenteng patuloy pang nagpapagaling.

Nasa 166 naman ang nadagdag sa bilang mga nasawi at sa ngayon ay pumalo na sa 21,898 ang total deaths sa virus.

Aabot naman sa 7,372 ang mga bagong gumaling at sa ngayon ay nasa 1,188,243 na ang total recoveries.

Nasa 13.2-percent naman ang positivity rate o ang mga nagpositibo mula sa 43,442 na tinest.

Karamihan pa rin o 95.9-percent ng mga kaso ay mild at asymptomatic o walang sintomas.

Samantala, nilinaw ng DOH na bagamat operational ang lahat ng mga laboratoryo nuong May 30 na pinagkunan ng datos na inilabas ngayong araw, mayruong tatlong hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 document repository system.

Kung pagbabatayan ng DOH ang datos sa nakalipas na 14 na araw, ang kontribusyon ng nasabing tatlong laboratoryo ay 0.68% ng lahat ng samples na nai-test at 1.27% ng mga nagpositibong indibidwal.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: